Bigong Pag-asa

Bigong Pag-asa

Bigong Pag-asa


(Nalpay Ti Namnama ni Leona Florentino)
Salin ni Isagani R. Cruz


Anong saya at ginhawa
Kung may nagmamahal
Dahil may nakikiugnay
Sa lahat ng pagdurusa.

Ang masama kung kapalaran
Walang kapantay -
Wala akong alinlangan -
Sa dinaranas sa kasalukuyan

Kahit na ako ay nagmahal
Sa isang musa
Wala namang hinuha
Na ako'y pahahalagahan

Isumpa ko kaya ang panahon
Na ako'y ipinanganak
Higit na mas masarap
Na mamatay bilang sanggol.

Nais ko mang magpaliwanag
Dila ko'y ayaw gumalaw
Nakikita kong malinaw
Pagtanggi lamang ang matatanggap.

Ligaya ko sana'y walang kapantay
Sa kaalamang ikaw ay minamahal
Isumpa ko at patunayan
Para sa iyo lamang ako mamamatay.


No comments:

Post a Comment

Amazing Price

Big Sale Price Samsung Galaxy Php.99.00 Click the link below if you want the product.

Click Here To Buy