Tuesday, November 13, 2018

Biag Ni Lam-ang

Biag Ni Lam-ang

Philippine literature , Biag Ni Lam-ang (Ilocano Epic)



Biag Ni Lam-ang

Buod ng Epikong Ilokano

Mag-asawa sina Don Juan at Namungan na taga-Nalbuan. Sa paglilihi, nakagiliwang kainin ng babae ang hilaw na sampalok, pias (kamias), at daligan (balimbing), gayundin ang mga hinog na bayabas, dalanghita, at buko o murang niyog. Gustung-gusto rin nito ng talaba, hipon, mga pagkaing-kabibe, at mga damong dagat.

Sa ikapitong buwan ng pagbubuntis ni Namongan, humiling siya sa asawa ng balitang, isang uri ng papag na mataas sa dakong ulunan. Sa pamamagitan ng kidlat at kulog, naputol ni Don Juan ang mga kailangang kawayan sa paggawa ng balitang. Upang hindi na mahirapan sa pagbubuhat, inutusan niya ang mga kawayan na magpauna sa kanya patungo sa kanilang looban.

May iba pang inihanda sa Don Juan, tulad ng panggatong, tapayan, kalan, palayok at panggamot na mga dahon -- lahat ay ukol sa panganganak ni Namongan.

Pagkaraan ng paghahanda, humayo na si Don Juan upang makipaglaban sa mga kaaway na Igurot. Nguni't hindi na siya nakita mula noon.

Isinilang si Lam-ang sa tulong ng matandang maninisid na si Marcos. Marunong na agad siyang magsalita at pumili ng kanyang pangalan. Siya rin ang pumili ng kanyang ninong sa binyag, ang matandang si Gibuan. Nag-usisa rin si Lam-ang kung siya'y lehitimong anak o bastardo lamang.

Taas noo, patuloy na makikipagsapalaran sa buhay. Anumang nakaraan ang bumalik sa alaala ay sariling yaman. Yamang hinubog ng panahon -- mula sa kanyang sining at kalinangan maipagmamalaki ay taglay ko pa ring minsan ako ay naging piping saksi ng nakaraan... nakaraang patuloy na magniningas na taglay ang apoy ng pag-ibig, pagkalinga at pagmamalasakit sa aking bayan. Ako na nagtataglay nito, sa tulong at gabay ng mapagpalang kamay ay masisinagan ko ang umaga nang may ngiti sa labi tungo sa bukas na punum-puno ng pag-asa.

Sa bahaging ito'y nabatid niya ang pagtungo ng ama sa bundok. Naisip na tungkulin niyang tiyakin ang naging kapalaran ng ama. Nagpabasbas aya sa ina at hinanap ang mga Igorot sa bundok.

Dinatnan ni Lam-ang na nagdiriwang ang mga Igorot sa harap ng ulo ng kanyang ama. Hinamon niya hindin lamang ang mga pinuno kundi ang lahat ng mga Igorot sa isang labanan. Tinanggap naman iyon, kaya pinaulanan ng mga sibat si Lam-ang at nasalo naman niyang lahat ang mga iyon.

Sa madaling sabi, natalo ni Lam-ang ang mga Igorot. Umagos sa ilog Vigan ang dugo ng mga ito.

Panliligaw Ni Lam-ang
Bumaba na sa bundok si Lam-ang na nanlalagkit at duming-dumi ang buhok. Naisipan pa niyang linisin ang kamalig ng palay ng ama na hindi nagagalaw sa loob ng siyam na taon. Pagkaraan, sa tunog ng longgangan(igong), ipinatawag niya ang kanyang mga kaibigang babae upang patulong sa paliligo niya sa Ilog Amburaya. Nang mahugasan na ang kanyang buhok, nalason ang tubig at nag-unahan sa pagsampa sa pampang ang mga isda, bangan at mga igat.

Upang masubok pa ang kanyang kakayahan, sinisid niya sa buwaya sa ilog. Nagapi niya it at ipinatanggal niya sa mga kaibigang babae ang mga ngipin ng hayop upang gawing talisman.

Nabalitaan ni Lam-ang ang kagandahan ni Donya Ines Kanoyan ng Kalanutian. Nagbihis siya ng magara at nagpasiyang lumigaw kahit pinaalalahanan siya ng ina na mabibigo lamang. Isinama niya ang kanyang puting tandang at alagang aso.

Noon nasalubong ni Lam-ang sa daan ang mala-higanteng si Sumarang. Gapinggan ang mga mata nito at sinlaki ng magkatabing dalawang paa ang ilong nito. Nagtangka itong pigilin siya sa pagtungo kay Donya Ines. Nang hindi papigil, sinibat siya ni Sumarang nguni't nasalo niya ang sandata nito. Pagkaraang bigyan ng babala, si Lam-ang naman ang naghagis ng sibat kay Sumarang. Sa tulong ng hangin, natangay si Sumarang ng sibat hanggang sa ikasiyam na bundok.

Pagdating ni Lam-ang sa bahay ni Donya Ines, nakita niya ang maraming manliligaw na isa't isa'y ibig tawagin ang pansin ng dalaga. Nakaisip siya ng paraan para sa kanya mapabaling ang pansin ni Donya Ines.

Pinagpagaspas niya ang mga pakpak ng kanyang puting tandang at ang palikuran ng dalaga'y gumuho sa lupa. Napatakbo sa may bintana si Donya Ines sa pagkagulat. Kasunod halos niyon, pinaungol ni Lam-ang ang kanyang aso at ang gumuhong palikuran ay naitindig na muli.

Humanga si Donya Ines sa kanyang nasaksihan kaya nanaog siya't inanyayahang pumahik sa bahay si Lam-ang. Pinaupo siya sa luklukang balot ng ginto, ipinagsaing siya at ipinagpatay ng inahing manok. Lahat ng kinain ni Lam-ang ay dinampot niya mula sa mga pinggang pinagkunan dito ni Donya Ines ng pagkain nito.

Pagkapananghalian, inusisa si Lam-ang ng mga magulang ng dalaga hinggil sa kanyang sadya. Sumagot ang kanyang puting tandang. "Ibig magbigay-galang ng aming panginoon sa inyong mag-anak; at kung mamarapatin ninyo, ibig niyang pakasalan ang inyong anak."

Hindi tumutol ang mga magulang ni Donya Ines, nguni't humiling sila kay Lam-ang ng dote, kasabay ng pagpaparangalan ng mga kasangkapan sa kanilang bahay na yari sa lantay ng ginto.

Sumagot si Lam-ang sa Nalbuan.Pinatunog ang longgapan at dumating ang lahat ng mamamayan doon. Ipinahayag niyang lahat ay sasama sa kanya sa Kalanutian upang saksihan ang kanyang kasal. Naghanda sila ng mga baboy, kambing, gulay at isda; gayundin , nagdala sila ng mga katingan, palayok, palanggana at mga inumin. Inihanda rin ni Lam-ang ang kanyang dote kay Donya Ines.

Pagdating sa Kalanutian, magiliw na tinanggap ang lahat ng mga panauhin. Sumaksi sila sa kasalan at pagkaraa'y dumalo sa kainan, sayawan, at inuman. Inanyayahan ni Lam-ang ang mga kababayan ni Donya Ines sa Nalbuan, nagpatuloy ang pagdiriwang hanggang sa mapagod ang mga tao at magsipag-uwian. Si Donya Ines ay iniwan na ng kanyang kapatid na babaeng si Unnayan kay Lam-ang umuwi na rin ito.

Kamatayan at Pagkabuhay ni Lam-ang
Pagkaraan ng ilang panahon, napatoka kay Lam-ang ang pangingisda sa rarang, isang kaugalian sa Nalbuan. Nagkaroon siya ng pangitaing kakainin siya ng mabangis na isdang berkakan. Umano, kapag nangyari ito, sasayaw ang kanilang bagdanan, magbabagsakan ang mga nakasabit sa dingding at magkakapira-piraso and kanilang kalan. Nangyari nga ito nang pagsisid niya sa rarang, hustung-husto napasuot siya sa malaking bibig ng berkakan.

Nanimdim si Donya Ines. Hindi nagtagal, sa tulong ng matandang si Marcos, ipinasisid niya ang mga buto ng asawa. Natagpuan naman ang mga iyon at saka pinag-ugnay-ugnay. Tinakpan iyon ni Donya Ines ng bidang (tapi) at pagtalikod niya, tumilaok ang tandang at pumagaspas ang inahin hi Lam-ang. Umungol naman nang makalawa ang kanyang aso. Pagkaraan ng ilang sandali, nabuhay si Lam-ang na parang natulog lamang. Ginantimpalaan niya ng salapi ang matandang si Marcos at niyakap at hinalikan niya ang kanyang mga alaga.

No comments:

Post a Comment